Black Sakura Dreamswhen you have sad dreams... it's alright to be frightend... i will always be here... to comfort you...
d_famatigan
read my profile
sign my guestbook

Visit d_famatigan's Xanga Site!

Name: Diane
Country: Philippines
Metro: Manila
Birthday: 5/15/1990
Gender: Female


Interests: Syaoran....... Harry Potter.... Syaoran...... Daniel Radcliffe...... Killua...... Syaoran....... CCS....... Anime..... Syaoran...... Syaoran....... SYAORAN!!!!
Expertise: Drawing..... Drawing.... Drawing...
Occupation: Student
Industry: Other


Message: message meEmail: email me
Yahoo: d_famatigan


Member Since: 10/22/2004

SubscriptionsSites I Read
j0hn31

Posting Calendar

|<< oldest | newest >>|
view all weblog archives

Get Involved!

Suggest a link

Recommend to friend

Create a site


Tuesday, April 18, 2006

Wala lang..

A - Age: 15

B – Birthday: May 15, 1990

C - Crush: Li Syaoran XD

D - Dessert of choice: CHOCOLATE cake

E - Easiest person to talk to: Angeli

F - Favorite song at the moment: Still by Hillsong

G - Gummy Bears or Gummy Worms: Of course gummy bears. XD

H - Hometown: Quezon  City ^^

I - Instruments: Violin.. J

K - Kids: none…

L - Longest car/train ride ever: trip from Manila to Baguio?

M - Money on your pocket: no pocket at the moment XD

N - Number of siblings: 1 sister, 2 brothers

P - Phobia(s): Volleyballs, they’re cursed…

Q - Favorite Expression: "Ooozzeh!..." XD

R - Reason to smile: Knowing that God loves me… J

S - Song you sang last: Umm.. I Believe by Yolanda Adams

T - Time you wake up: 9AM

U - Unknown fact about me: Hmmm.. iyakin po aq... T_T

V - Vegetables you hate: ampalaya, okra, upo

W - Worst habit: hmm.. secret..

X - X-rays you've had: many..

Y - Yummy food: CHOCOLATE!!! BWAHAHAHAHA!!!

Z - Zodiac sign: Taurus

Currently Watching: none...
Currently Reading: My post..
Currently Listening: By Your Side


Friday, April 14, 2006

Nakakabagot!!!

Hay... nakakainip na sobra!!! gusto kong bakasyon pero ayaw kong wala akong pera!!! i need money!!! Plus, wala pa akong magawa dito sa bahay... Natapos ko na nga yung libro ni Nikhe eh... Oi! HP6 un!! 2 days ko lang binasa!! bwahahaha!!! sabi nila ang bilis ko daw... Sabi koh, mabagal pa nga yun eh yung isang friend ko 7 hrs lang binasa... ADIK!!! Pero isipin niyo ha, mahigit isang buwan na sakin yung libro. Ngayun ko lang binasa... Sobrang naging sudy kasi ako... Sunod-sunod talaga sched ko... (Prom, Ikot bayan, longtest, projects, exams, youth camp).. Tapos ngayon, wala na akong ginagawa!!! nakakainis!!! miss na miss ko na sila!!! Mga KaYFC KO, Jaggerz, sila Kristal, Angeli, Peter... Kaso nagkalat na sila sa iba-ibang lugar.. May nagpuntang Davao (pumunta sa ILC.. Ang daya!!), May nasa Baguio, sa Tagaytay, May pupunta pang Japan!!! Oi!! pano na household natin!!! WAHHH!!! T_T Pero ok lang... Pupunta naman akong KALINGA LUZON!!! bwahahaha!!! kala niyo kayo lang may lakad ah!!! =P Anyway, kaya nga naimbento ang blog para pagaksayahan ng oras.. Nagsusulat ng kung ano-ano tungkol sa nakakainip na buhay sa loob ng bahay.. Pinaplano ko na nga yung cluster website namin kasi wala akong magawa.. hmm... next week uumpisahan ko na.. hehehe... sinong mabait na magtuturo sakin ng FLASH??? Marunong kasi ako ng fireworks at dreamweaver.. Pero dahil ADIK ako, gusto ko din matuto ng Flash... wahahaha... Nag sesave nga ako ng mga tutorials ngayon para gumaling pa ako!!! wahahaha!!! ADIK!! ADIK!! Mahal na mahal ko utak ko!! ang daming alam!! hehe.. pero pede rin akong makipagtrade sa mas matalino.. (joke lang) hehehe... Di naman ako matalino eh... ADIK lang ako sa computer... Sa computer programs ha... Hindi sa games... Bcoz I HATE DOTA!!! Pinapababa ng DOTA mga grade ng mga kabarkada ko!! at hindi umaatend ng activities mga kaYFC ko dahil sa DOTA!!! Pero dahil summer naman... Sige na.. Pwede n kayo mag DOTA!! basta aatend kayo ng household ah!!! lagot kayo pag hindi!!! grr... Anu pa ba... umm... iniisip ko na nga umatend ng choir training para lang mgakaroon ng allowance eh.. Haayyy... Kelangan ko ng PERA!!! wala na kasi ako pang-load... mageexpire na load ko sa Monday.. eh tamang-tama next week na yung start ng practice... Makikita ko pa dun yun mga ibang kaYFC ko, ibang kaklase ko at si Erin... Ano sa tingin niyo? bahala na nga... Sige.. hanggang dito nalang.. hahanap pa ako tutorials eh... byebye :)


Wednesday, March 29, 2006

Lord, help me..

It's getting worse. I'm having a hard time. I'm trying my best to forgive and forget everything that "***" has done but I just find out more and more things to hate about that person... Jesus said "forgive your enemies." It's not that easy. Lord, help me...

All For Love

by Hillsong United

All for love the Father gave For only love could make a way All for love the heavens cried For love was crucified  Oh how many times have I broken Your heart But still You forgive If only I ask And how many times have You heard me pray Draw near to me  Everything I need is You My beginning, my forever Everything I need is You  Let me sing all for love I will join the angels song Ever holy is the Lord King of Glory King of all  All for a love a Saviour prayed Abba Father have Your way Though they know not what they do Let the Cross draw man to You

help me love that person... help me forget everything.. help me forgive...


Monday, March 13, 2006

Magpatawad?

Bakit ganito? May galit akong nararamdaman sa puso ko. Galit na matagal ko nang tinimpi at tinago na akala ko na matagal nang nawala. Galit na pumipigil sa akin. Tila nawawalan na ako ng kalayaan dahil ang akala kong nilimot ko na ay patuloy parin palang sumasakop sa aking puso at lumalason sa aking isipan.



 Hindi ito dapat na nangyayari. Dahil alam ko na ang galit na ito ang sisira sa akin. At dahil di dito ay maaring malayo ang loob ko sa taong pinaka importante sa akin... Si Hesus. Dahil lang ba sa galit ko sa isang tao ay masisira ang relasyon ko sa Diyos? Parang lumalabas na napakababaw na dahilan ito.



 Ngunit ano nga ba ang sanhi ng galit kong ito? Oo, alam kong hindi naiiwasan ang mga pagtatalo dahil lahat ng tao ay iba. Ngunit ano bang meron ang taong ito? Bakit kahit ilang ulit naming subukang ayusin ang pakikisama namin sa isa't-isa ay parang walang nagbabago?



Kapag nakikita ko siya ay hindi ko maiwasang maiinis. Marahil, ganito rin ang nararamdaman niya. Tuwing nagkikita kami ay gumagawa siya ng bagay na nakakasakit sa akin. At ako, ang hangal na ako, kahit alam kong mali ay ginagawa ko itong dahilan para makaganti sa kanya ng doble.



Ang masama pa dito ay hindi ako nagdadalawang-isip na gumanti dahil galit na galit ako sa kanya. Parang bigla nalang akong sinasapian ng kung ano at nagliliyab ang mga mata ko. Kaya patago ako tumira para hindi mahalata. Tapos, kapag napansin na niya at walang ibang nakapansin ay titira uli siya at sisiraan na ako. Siya naman ang nauna. Gagawa-gawa siya ng mga bagay na patagong nananakit sa iba at pag sa kanya naman nangyari ay babaliktarin niya ito at iba ang masisisi. Ayus raket niya noh?



Kahit hindi nila diretsahaang sinasabi ay alam ko na sa kaloob-looban nila ay sinisisi nila ako. Bakit hindi sila pantay manghusga? Oo, aminado ako na mali ang gumanti. Inaamin ko na mali ako. Ngunit bakit sa huli ang nasisisi lang ay ako?! May mali din naman siya diba? Ngunit bakit ako lang?! Lagi nalang ako! Ako! Ako! Puro nalang ako! Ako! Ako! Ang walang kamatayang ako!



Sagutin ninyo ako. Masama bang magalit sa isang tao kung may dahilan naman ito? Hindi mo naman mapipigilan ang emosyon mo diba? Tama ba na manisi agad nang hindi mo alam ang mga nangyayari? Hindi ito magigiging patas para sa taong hinuhusgahan. Tama ba ang mag-imbento ng kwento para manira ng tao? Malaki ang mawawala sa taong siniraan. Lalo na ang dignidad ng taong iyon.



Sa mga matiyagang bumasa ng sinulat kong ito ay tulungan ninyo ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Sa dami ng kasalanan sa akin ng taong ito, karapat-dapat pa ba siyang patawarin?




Dapat Bang Magpatawad?

Bakit ganito? May galit akong nararamdaman sa puso ko. Galit na matagal ko nang tinimpi at tinago na akala ko na matagal nang nawala. Galit na pumipigil sa akin. Tila nawawalan na ako ng kalayaan dahil ang akala kong nilimot ko na ay patuloy parin palang sumasakop sa aking puso at lumalason sa aking isipan. Hindi ito dapat na nangyayari. Dahil alam ko na ang galit na ito ang sisira sa akin. At dahil di dito ay maaring malayo ang loob ko sa taong pinaka importante sa akin... Si Hesus. Dahil lang ba sa galit ko sa isang tao ay masisira ang relasyon ko sa Diyos? Parang lumalabas na napakababaw na dahilan ito. Ngunit ano nga ba ang sanhi ng galit kong ito? Oo, alam kong hindi naiiwasan ang mga pagtatalo dahil lahat ng tao ay iba. Ngunit ano bang meron ang taong ito? Bakit kahit ilang ulit naming subukang ayusin ang pakikisama namin sa isa't-isa ay parang walang nagbabago? Kapag nakikita ko siya ay hindi ko maiwasang maiinis. Marahil, ganito rin ang nararamdaman niya. Tuwing nagkikita kami ay gumagawa siya ng bagay na nakakasakit sa akin. At ako, ang hangal na ako, kahit alam kong mali ay ginagawa ko itong dahilan para makaganti sa kanya ng doble. Ang masama pa dito ay hindi ako nagdadalawang-isip na gumanti dahil galit na galit ako sa kanya. Parang bigla nalang akong sinasapian ng kung ano at nagliliyab ang mga mata ko. Kaya patago ako tumira para hindi mahalata. Tapos, kapag napansdin niya at walang ibang nakapansin ay titira uli siya at sisiraan na ako. Siya naman ang nauna. Gagawa-gawa siya ng mga bagay na patagong nananakit sa iba at pag sa kanya naman nangyari ay babaliktarin niya ito at iba ang masisisi. Ayus raket niya noh? Kahit hindi nila diretsahaang sinasabi ay alam ko na sa kaloob-looban nila ay sinisisi nila ako. Bakit hindi sila pantay manghusga? Oo, aminado ako na mali ang gumanti. Inaamin ko na mali di ako. Ngunit bakit sa huli ang nasisisi lang ay ako?! May mali din naman siya diba? Ngunit bakit Ako?! Lagi nalang ako! Ako! Ako! Puro nalang ako! Ako! Ako! Ang walang kamatayang ako! Sagutin ninyo ako. Masama bang magalit sa isang tao kung may dahilan naman ito? Hindi mo naman mapipigilan ang emosyon mo diba? Tama ba na manisi agad nang hindi mo alam ang mga nangyayari? Hindi ito magigiging patas para sa taong hinuhusgahan. Tama ba ang mag-imbento ng kwento para manira ng tao? Malaki ang mawawala sa taong siniraan. Lalo na ang dignidad ng taong iyon. Sa mga matiyagang bumasa ng sinulat kong ito ay tulungan ninyo ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Sa dami ng kasalanan sa akin ng taong ito, karapat-dapat pa ba siyang patawarin?



Next 5 >>

<bgsound src="http://members.fortunecity.com/gohantrunks1/sakura/multimedia/tobira.mid" loop="infinite">